A college girl friend once told our barkada nun (we were six in the group), “Nagsama sama na naman kayo, sino na naman kayang babae pag uusapan nyo?”. Our jaws dropped because she said it out of nowhere, but then we all knew that she was just joking, so we just laughed about it. Then bigla syang bawi and said, “Totoo naman eh, if I know mas chismoso pa kayong mga lalake kesa sa aming mga babae.” That’s where the mini and informal debate started, haha. Two more friends of her joined her. Unsurprisingly, nakakadalawang thoughts pa lang kame, sila ata eh sampu na kaagad. Ang dadaldal, natural na ata yun sa mga babae. =p
Yeah, we guys can talk about anything we want. From girls, to sex, to basketball match ups, to online games, and other stuffs that interest us. But we’re not as brutal as girls kapag nagkkwento. Hindi rin kami maharot at magulo na ewan ko ba, bakit kailangan pang maghampasan or magkasakitan dahil sa adrenaline rush, haha. Hindi rin namin ugaling pagkwentuhan buhay ng may buhay. We get interested yes, but unlike girls, kung saan saan pa napupunta ang usapan. One concrete example eh kapag may nagkabuntisan. Basically sa amin, ganito lang magiging takbo ng usapan.
Guy 1: Pare, nakabuntis daw si ano ah.
Guy 2: Talaga tol? Kelan pa raw?
Guy 1: Hindi ko alam, hindi ko na natanong.
End of conversation. Pero sa girls, nakupo asahan nyo walang katapusang usapan yan. Pag uusapan pati kung paano nakabuo, bakit nakabuo, saan binuo, possible reactions ng parents, at kung ano ano pa. Tapos hindi pa makukuntento, ipapasa pa sa iba at pag uusapan pa ulit sa mga susunod na araw. Tsk tsk nga naman, haha.
Naalala ko yan kasi kagabi si Mike, yung kasama ko dito sa bahay, may dalang kung ano anong chismis from his work, haha. The worse part is, hinde ganun kaganda yung mga chismis nya, meaning nakakasira ng ibang tao. Another thing is, private life na yung minemention nya. Kalalakeng tao amp. Wala akong ganang makinig kasi hindi ko naman kilala yung mga sinasabi nya. Naasar yata saken kasi wala man lang akong reaction kaya pinahirapan akong kunin sa kanya yung pinabili ko, haha.
It’s just funny to know that some guys are now involving themselves into gossips. In some way, tama nga siguro yung sinabi nung college friend namin. But as for me, gossip is a sort of smoke that comes from dirty tobacco pipes of those who diffuse it. It proves nothing but the bad taste of the smoker. =)
Recent Comments